-- Advertisements --

Muling inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang online portal para sa mga employers at manggagawa.

Ayon sa DOLE na sa nasabing portal ay maaring isumite ng mga employers at mangaggawa ang kanilang mga hinaing.

Sa nasabing platform ay magagabayan ang mga manggagawa gaya ng kanilang karapatan, labor standards at mga dispute process.

Dagdag pa ng DOLE na ang updated na portal ay mayroong tracking submissions, documentations at polisiya para sa mga katanungan.

Paglilinaw ng DOLE na hindi pa rin nila tinatanggal ang formal complaints mechanism, inspection at adjudication process.