Inihayag ng Department of Labor and Employment na magsasagawa ito ng nationwide job fair at magbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga manggagawa sa Mayo 1 o Labor Day.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na ang lahat ng aktibidad ay gaganapin sa 16 na rehiyonal na lugar, kung saan ang National Capital Region (NCR) ang pangunahing event site.
Ang magkasabay na job fair ay gaganapin sa iba’t ibang malls sa buong bansa, habang ang pangunahing job fair site ay sa Metro Manila.
Hinikayat ng departamento ang mga naghahanap ng trabaho na ihanda ang kanilang mga kinakailangan sa aplikasyon tulad ng resume at iba pang requirements.
Maliban dito, nakipagtulungan din ang DOLE sa DTI at Department of Agriculture (DA) para pangunahan ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa upang matulungan ang mga manggagawa na makakuha ng mga bilihin sa mas mababang presyo.
Pangungunahan din ng DOLE ang pagbabayad ng tulong o suweldo sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program, Special Program for Employment of Students (SPES), at Government Internship Program (GIP) sa buong bansa.