-- Advertisements --

Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng COVID-19 vaccination sa Nobyembre 10 para sa mga OFWs sa Labor Governance Learning Center sa loob ng DOLE Building sa Intramuros, Manila.

Humigit kumulang 2,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na bigay ng pamahalaan ng Brunei ang gagamitin para sa mga OFWs na malapit nang lumabas ng bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inatasan na ang mga recruitment agencies sa buong bansa na dalhin ang mga hindi pa bakunadong OFW applicants sa designated vaccination site.

Sa tulong ng Manila Health Department, plano ng DOLE na mabakunahan ang mga OFWs pero sa first-come, first-serve basis lamang.

Subalit nililinaw naman nila na prayoridad nila dito ang mga OFWs na papunta na sa Brunei.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang temporary suspension ng deployment ng mga overseas Filipino health workers matapos na maabot na ang 6,500 deployment cap.

Sinabi ni Bello na magiging subject sa evaluation ng mga concerned government offices ang pagtatanggal sa naturang ban.