-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary ang tagumpay ng online job fair nitong Labor Day noong Mayo 1.

Sinabi ng kalihim na mayroong mahigit 60,000 na mga naghahanap ng trabaho ang sumali sa nasabing event.

Aabot sa 13,000 ang naging kwalipikado at mayroong halos 300 ang nabigyan agad ng trabaho.

Magugunitang ilang libong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.