CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan nila ng pansamantalang hanapbuhay ang mga informal workers na na-apektuhan sa COVID-19 crisis.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Labor Sec Silvestre Bello III na sakop sa nasabing cash grant ang informal workers tulad ng side walk vendor, tricycle drivesr, manicurista, parlorista, mga self employed at iba pa.
Pagkakalooban daw ng DOLE ng 10 araw na trabaho ang mga nawalan nga kabuhayan, na siyang sasaluhin naman ng Department of Social Welfare and Development para sa susunod na 10 araw na sahod.
Ayon kay Sec. Bello na sa ilalim ng economic relief, limitado ang pondo ng gobyerno kaya hindi lahat ng informal workers ang mabibigyan ng ayuda lalo na’t kung nasa middle income ang kanilang negosyo.
Tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ang mga manggagawa na eligible o pasok sa requirements ng programa.