-- Advertisements --
image 193

Inabisuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na payagan ang kanilang mga empleyado na ma-exempt mula sa pagliban o absent sa trabaho para samahan ang kanilang mga anak na magpabakuna sa mga center o kapag kailangan ng mga ito na alagaan ang kanilang anak dahil sa naranasang adverse effects o reaction mula sa bakuna.

Inisyu ng ahensiya ang naturang advisory bilang suporta para sa measles, rubella and oral polio vaccine (MR-OPV) supplemental immunization activity ng pamahalaan mula sa buong buwan ng Mayo.

Sa pagbalik ng mga ito sa trabaho. kailangang magpresenta ng mga concerned employee ng katibayana ng vaccination ng kanilang anak.

Sinabi din ng DOLE na dapat payagan ng mga kompaniya ang mga empelyado na gamitin ang kanilang leave credits sa kasagsagan ng immunization campaign period subject sa polisiya ng kompaniya o collective bargaining agreement.

Saklaw sa naturang advisory ang lahat ng mga empleyado ng pribadong sektor na mayroong mga anak edad 0 hanggang 59 buwang gulang.

Hinihikayat din ng ahensiya ang mga employer na makipag-ugnayan sa mga health department sa mga lokal na pamahalaan sa scheduled immunization para matiyak na kasama sa naturang immunization activity ang anak ng kanilang empleyado.