-- Advertisements --
image 456

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na magbigay ng karagdagang paid leaves at flexible work arrangement options sa kanilang empleyado para matiyak ang mental wellbeing ng mga manggagawa.

Sa isang advisory, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang karagdagang paid leave benefits ay maaaring ibigay sa mga empelyado na kailangan ng karagdagang medical attention maliban pa sa kanilang leave benefits sa ilalim ng polisiya ng kompaniya, collective bargaining at Labor code.

Dapat ding tiyakin ng employer na mabigyan ang kanilang mga empleyado ng epektibong mental at self-care services.

Hinikayat din ng kalihim ang mga employer na ikonsidenra ang flexible work arrangements at rescheduling ng oras ng trabaho gaya ng telecommuting at iba pang mga benepisyo.

Dapat mayroon ding mga aktibidad at programa na nagtataguyod sa mental health sa mga lugar ng trabaho.

Pinapayuhan naman ang mga empleyado na mag-avail ng healthcare services at facilities na accredited ng PhilHealth kapag kailangang masuri ang inyong mental health.

Top