-- Advertisements --

Sa kabila ng krisis ng COVID-19, pinangalanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga industriya na nanatiling buhay at patuloy na nangangailangan ng mga empleyado.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nadagdagan pa ang online job postings para sa healthcare, logistics, information technology, business process management, education, at construction industries.

Halos lahat daw ng oportunidad sa naturang mga sektor ay bukas dito sa National Capital Region.

Sa huling tala ng Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan kasali bilang miyembro ang DOLE, aaot na raw sa 8,56 health care workers ang nabigyan ng trabaho sa ilalim ng emergency hiring program.

Nasa 10,693 daw ang approved slots na para sa mga doktor, nurses at iba pang medical frontliners para labanan ang COVID-19 pandemic.

“They were deployed in public hospitals, diagnostic facilities, isolation and quarantine sites, local government units, and other hospitals and COVID-19 referral facilities.”

Aabot naman sa 10,000 oportunidad ang bukas sa sektor ng business process outsourcing (BPO) tulad ng customer service representatives, technical support staff, frontline/specialists at managers.

Pati na sa human resources and recruitment, finance, information technology, and marketing sectors ng nasabing sektor.

Dahil sa Build, Build, Build program ng pamahalaan, asahan umano na mas marami pang trabaho ang magbubukas sa industriya ng konstruksyon hanggang sa susuno na taon.

Pareho rin daw ang demand sa education sector, lalo na’t nangangailangan mga eskwelahan ng dagdag pwersa para sa online learning.

Nakikita naman ng DOLE na patuloy ang pangangailangan ng mga manggagawa sa logistics sector dahil sa demand ng publiko sa transport network and vehicle service.

Magugunitang umakyat sa 17.7% ang unemployment rate ng bansa noong Abril, na may katumbas na 7.3-milyong Pilipino na walang trabaho.