-- Advertisements --

Nasa 800 overseas Filipino workers (OFWs) mula Hong Kong at Riyadh ang nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong umaga.

Pagkakalooban ng pamaskong handog ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ngayon umaga ang mga naturang OFWs sa NAIA.

Ang nasabing bilang ay pawang mga OFWs na nabigyan ng bakasyon ng kanilang mga employer para makasama ang kanilang pamilya sa pagsalobong sa Bagong Taon dito sa bansa.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng OWWA at DOLE particular sina OWWA Administrator Leo Cacdac at DOLE Sec. Selvitre Bello lll para personal na iabot sa mga OFWs ang pamaskong handog mula sa ahensiya sa arrival area ng NAIA Terminal .

Inalalayan din ng OWWA at DOLE ang pagproseso ng kanilang mga documents sa immigration counter palabas ng paliparan.

Ayon kay Cacdac bukod sa grocery items, pagkakalooban din ng P10,000 cash ang 25 OFWs mula Singapore at Riyadh.

Paglilinaw ni Cacdac hindi sasagutin ng OWWA ang travel expenses ng mga OFWs pauwi sa kanilang mga lalawigan dahil hindi naman sila mga distress OFWs.