CAUAYAN CITY – Makikipagpulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga labor groups upang pag-usapan ang sitwasyon ng mga distressed companies kaugnay sa pagbibigay ng 13th month pay sa darating na Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III ng DOLE, sinabi niya na dahil labor standard ang pagbibigay ng 13th month pay, kailangang ibigay ito ng employer sa mga empeado.
Gayunman, may exemption kung ang kumpanya ay maituturing na walang kita.
Ayon kay Bello, pag-uusapan pa nila ng labor groups at management’ groups kung ano ang mga tinatawag na in distressed companies.
Aniya matapos ang kanilang pagpupulong sa araw ng Martes ay magpapalabas ang DOLE ng advisory kung ano ang ibig sabihin ng in distressed.
Kapag ang isang kompanya ay hindi na kaya ang magbigay ng 13th month pay ay maaari silang mag-apply ng exemption.
Tinututukuan din ng DOLE ang pagtigil sa trabaho ng ilang manggagawa na kailangang matapos ang anim na buwan ay ibalik sila sa trabaho.
Ayon kay Secretary Bello temporary, lamang ang suspension ng mga manggagawa kaya kailangan silang ibalik sa trabaho.
May mga employer naman aniyang humihingi ng extension sapagkat hindi pa nila kayang ibalik ang kanilang mga manggagawa dahil hindi pa sila nakakabangon.