-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin nila ang programang TUPAD upang matulungan ang mga transport worker na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay DOLE Director Leilani Reynoso, babaguhin ang sistema ng TUPAD upang mas mabilis at mas epektibong maipaabot ang emergency employment sa mga tsuper.

Samantala, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na magsasagawa ng special payout sa susunod na linggo para sa mga driver ng pampublikong sasakyan na hindi nakatanggap ng P5,000 ayuda mula sa gobyerno.

Target ng DSWD na makabuo ng payout para sa libu-libong miyembro ng tricycle at jeepney drivers, transport network vehicle service (TNVS), at motorcycle taxi riders.

Batay sa datos, mahigit 396,000 public transport drivers sa Metro Manila ang inaasahang makikinabang sa fuel subsidy ngayong Abril.

Ang sabayang aksyon ng DOLE at DSWD ay nakikitang mahalaga upang mapanatili ang kabuhayan ng sektor ng transportasyon.

Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na maghintay ng opisyal na abiso hinggil sa iskedyul ng pamamahagi ng ayuda.

Binalaan naman ang publiko sa iba pang panig ng bansa sa pabigla-biglang pag-ulan pagsapit ng hapon at gabi.(Report by Bombo Jai)