Mark Perete1
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete
-- Advertisements --
IMG 20190919 144553
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete

Hiniling na ng Department of Justice (DoJ)-cybercrime division sa Facebook na i-“preserve” ang account ni Sonny Alcos na nagbantang gahasain ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Ayon kay DoJ Usec. Markk Perete ang hakbang ng DoJ ay para maiwasang matanggal sa sistema ng Facebook ang naturang post kahit binura na ng mismong may-ari.

Kapag may maghahain daw ng reklamo ay puwede raw mag-apply ang mga otoridad ng warrant to disclose computer data.

Una nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na patuloy ang ginagawang verification ng National Bureau of Investigation (NBI) ang identity at location ni Sonny Alcos.