-- Advertisements --

Todo ngayon ang panawagan ang Department of Justice (DoJ) sa publiko na maging mapagpasensiya at magsakripisyo, kasabay ng nararanasang abala na dulot ng patuloy na pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ginagawa lang kasi ng pamahalaan na isalba o mailigtas ang kasalukuyang henerasyon sa lumalalang sitwasyon o kalamidad.

Iginiit pa ni Guevarra na kung wala tayong pakialam ay posibleng dumating ang panahon na pagsisisihan natin kung mamaliitin o babalewalain lang natin ang COVID-19.

Umapela sa publiko si Guevarra matapos isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang buong Luzon sa enhanced community quarantine bilang isa sa pamamaran upang labanan ang nasabing virus o sakit.

Kasabay na rin ito ng pagsasailalim sa buong bansa sa state of calamity.