-- Advertisements --

Ipinaubaya na raw ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa prosecutor general ng Department of Justice (DoJ) ang pag-iimbestiga sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pero tiniyak ng kalihim na bibigyan nila ng prayoridad ang pag-iimbestiga sa mga reklamo.

Paliwanag ni Guevarra, kailangan nilang unahin ang imbestigasyon sa SAP cash aid distribution dahil involve dito ang perang para sa mga mahihirap at nagugutom na mga kababayan.

Sa ngayon nasa 23 barangay officilas na ang humaharap ng kaso sa DoJ at mayroon pang apat na isasampa ng PNP habang nagpaaptiloy ang kanilang case buildup sa 110 na iba pang opisyal ng barangay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, hiniling na raw niya sa mga local prosecutors na agad magsawa ng preliminary investigation sa mga naisampang kaso para ma-monitor ang progress dahil na rin sa dami ng mga naisampang kaso.

Sa monitoring ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa compliance ng local government units (LGUs) sa pamamahagi ng SAP sa low-income families sa kanilang mga lokalidad aabot na sa 1,370 mula sa 1,634 LGUS nationwide ang nakapag-comply sa pamamahagi ng ayuda sa itinakdang deadline na Mayo 10, 2020.

Ito ay para sa unang tranche ng emergency cash aid.