-- Advertisements --

Pinasasampahan ng patung-patong na kasong may kaugnayan sa sexual abuse of a minor, at trafficking ng Department of Justice si Kingdom of Jesis Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang inanunsyo ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang isinagawa niyang review hinggil sa naturang kaso.

Dahil ay pinakakasuhan ngayon ng Justice Department sa Office of the City Prosecutor ng Davao City si Quiboloy nang dahil sa naging paglabag nito sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law partikular na sa probisyon ng sexual abuse of a minor.

Habang ang kaso naman na may kaugnayan sa qualified human trafficking ay nakatakdang ihain sa Pasig Court.

Samantala, bukas, March 5, 2024 ay pinahaharap ng mga mambabatas si Pastor Quiboloy sa Senado para sa kaukulang imbestigasyon sa isinasagawa ngayon ng mga senador hinggil sa mga reklamong ipinupukol laban sa kaniya.