Nangako ang Department of Justice (DOJ) na agad nilang aaksyunan ang complaints laban sa mga suspek sa umano’y kidnapping incidents sakaling iindorso ito sa kanilang ahensiya.
Ayon kay Justice spokesperson Atty. Mico Clavano, ang mga kaso na may kinalaman sa insidente ng pagdurukot ay kasalukuyang iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP).
Kanila pang inaantay ang resulta ng imbestigasyon at kung sakaling may mahuling suspek at iindorso ito sa DOJ agad nila ito aaksyunan.
Sinabi din ni Clavano na ipinag-utos na ni PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. ang imbestigasyon sa mga sasakyang may improvised plate numbers.
Sa parte naman ng DOJ, gumagawa na rin sila ng kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa mga nakaw na behikulo na ginagamit sa kidnapping.
-- Advertisements --