Nangako ang Department of Justice (DOJ) ng malaliman at mabilis na imbestigasyon at paglilitis sa pagpatay sa batikang radio broadcaster na si Juan Jumalon na kilala din bilang DJ Johnny Walker.
Ipinarating ni DOJ Assistant Secretary and SpokespersonJose Dominic F. Clavano IV na kanilang sinisiguro na walang sasayangin para matiyak ang malalimang imbestigasyon , mabilis na pagdakip sa mga salarin at paglilitis sa mga ito.
Sinabi din ng DOJ na ang untimely at kalunus-lunos na kamatayan ni Jumalon ay malaking kawalan hindi lamang sa kaniyang pamilya at mahal sa buhay kundi maging sa komunidad ng mga mamamahayag at sa nasyon sa kabuuan. Ang kaniyang commitment sa pagbibigay impormsyon at pakikipag-engage nito sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang platform ay nawa’y maging halimbawa sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa ating lipunan.
Inihayag din ni ASec. Clavano ang taus-pusong pakikiramay ng ahensiya sa pamilya, kaibigan at katabaho ni Jumalon kasabay ng pagtitiyak ng ahensiya ng pakikiisa nito sa pagdemand ng hustisiya para sa kaniyang brutal na pagkamatay.
Muling iginiit ng DOJ ang hindi natitinag na commitment nito sa paninindigan para sa press feedom at kaligtasan ng mga mamamahayag. Kinikilala din ng DOJ ang hindi mapapalitang papel ng malaya at independet media sa pagpapanatili ng masaganang demokrasiya. Ang anuman aniyang pagtatangka na patahimikin o gipitin ang mga mamamahayag ay tutugunan ng buong pwersa ng batas.
Mariing kinondena din ni Asec Clavano ang pagpatay kay Jumalon na inilarawan nitong isang lantarang paghamak sa prinsipyo ng demokrasiya, kalayaan sa pamamahayag at pagkasagrado ng malayang pamamahayag.
Hinikayat din ng opisyal ang media organization, civil socuety at lahat ng stakeholders na magkaisa sa pagkondena sa gawain ng karahasan at sa pagtataguyod ng malayang at responsabling pamamahayag.