Bukas ang Department of Justice (DoJ) sa posibleng pagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kontrata ng Department of Transportation (DoTr) at AF Payments Inc. sa MRT/LRT Beep Card.

Sa harap ito ng sinasabing mga probisyon sa nasabing kontrata kung saan dehado ang gobyerno.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, agad silang magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing isyu oras na pormal na hilingin ng DoT o kaya ay ipag-utos mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na posibleng talakayin din ang nasabing isyu sa susunod na cabinet meeting.

Naungkat ang panawagang pagsilip sa kontrata sa beep card supplier matapos na tumaas ang presyo nito sa P30 mula sa P20.