-- Advertisements --
Nagpaliwanag ang Department of Justice (DoJ) kaugnay pa rin sa hindi umano tugmang rekomendasyon ng Senado sa rekomendasyon ng Task Force Philhealth sa mga itinuturong sangkot sa anomalya sa loob ng ahensiya.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posible umanong hindi pareho ang mga naiprisintang ebidensiya sa Senado at sa Task Force Philhealth kaya magkaiba sila ng rekomendasyon.
Iginiit ni Guevarra na nakabase sila sa mga ebidensiya para kapag naghain ng mga ito ng kaso ay siguradong magkakaroon ng establishment ng probable cause.
Dapat din umanong mabusisi nang maayos ang mga testimonial, documentary at iba pang ebidensiya bago nila ito isampa.