-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Justice (DOJ) ang publiko hinggil sa pekeng email address na ginagamit ng isang tao na nagpapakilala bilang si Secretary Menardo Guevarra.

Sa isang advisory, sinabi ng DOJ na ang email address na osecmig1@gmail.com ay ginagamit para humingi ng tulong hinggil sa umano’y pagbilu ng mga iTunes gift cards bilang donasyon sa mga pasyente at hospice care units.

Kasabay nito ay nilinaw ng kagawaran na ang tanging official email accounts ng Office of the Secretary ay osec@doj.gov.ph at osecmig@gmail.com.

Kaya pinapayuhan ng DOJ ang mga makakatanggap ng mensahe mula sa pekeng email account na kaagad i-report ito at i-block ang sender.