Inirekomenda na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa may-ari ng M/T Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon.
Nanguna sa paghahain ng kaso ang National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division at Palo, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz
Kabilang sa mga respondents ay ang RDC Reield Marines Services, Inc, ang shipping company na nag-mamay-ari at nagpapatakbo ng M/T Princess Empress.
Kasama rin ang mga corporate officers nito at ilang empleyado.
Sinampahan rin ng kasong kriminal ang 19 Philippine Coast Guard personnel, at dalawang Maritime Industry Authority personnel.
Isa pang indibidwal ang kabilang sa multiple counts of Falsification by Private Individual Multiple Use of Falsified Documents sa ilalim ng Article 172 in relation to Article 171(2) ng Revised Penal Code at Multiple counts of Falsification of Public or Official Documents sa ilalim ng Article 171(4) of the RPC, as amended.
Kasunod ng comprehensive evaluation ng mga affidavit at ebidensya, natuklasan ng panel ng DOJ prosecutors ang mga iregularidad sa ilang mga dokumento na may kaugnayan sa pagtatayo at certificate of public convenience ng M/T Princess Empress.
Dahil dito, inirekomenda ng panel ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga corporate officer ng M/T Princess Empress, isang tauhan ng MARINA, at isang pribadong indibidwal para sa multiple counts of falsification of public documents ng isang pribadong indibidwal, multiple use of falsified documents , at multiple counts of falsification of public or official documents o official documents
Nalaman din ng panel na ang RDC Reield Marine Services, Inc. ay nagsumite ng mga pekeng dokumento, kabilang ang isang Construction Certificate at Affidavit of Ownership.
Gayunpaman, ang mga charges laban sa iba pang mga respondent ay inirekomenda para sa dismissal dahil sa kakulangan ng posibleng dahilan.
Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mananagot ang mga responsable sa oil spill.