-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nag-viral sa social media na isa umano nilang personnel ang bumunot ng baril habang may nakagalitan na isang driver.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra , na inatasan na niya ang internal affairs and intelligence service ng kanilang opisina.
Sa nag-viral na video ay makkita ang isang lalaki na sinisita ang driver at binunutan pa ng baril kung saan nagpakilala pa itong miyembro ng NBI.
Sinita aniya lamang daw umano ang lalaki dahil sa nakakaabala ito sa kanilang operations.










