-- Advertisements --

Ikinalungkot ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagkakasibak ni Vice President Leni Robredo bilang drug czar.

Ayon sa kalihim, na isa sanang oportunidad na ng administrasyon at ang opposition na magkasama para sa paglaban sa iligal na droga.

Naniniwala pa rin ito na malinis ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Umaasa pa rin ang kalihim na mayroon ng maipapalit agad ang pangulo sa iniwang posisyon ni Robredo.