-- Advertisements --

Idudulog ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa korte suprema ang mga naging banat ni suspended Rep. Arnolfo Teves, Jr. sa kaniyang social media account.

Sinabi ni Remulla na ayaw ng Supreme Court na gamitin ang social media kapag may mga kaso.

Iginiit pa ng kalihim na malinaw na guilty sa kasong kinakaharap kaya idinadaan lamang niya ito sa social media.

Paglilinaw pa nito na hindi na nila papatulan sa social media ang mga banat ni Teves at hinamon na lamang niya ang opisyal na harapin na lamang ang mga kaso.