-- Advertisements --
Mark Perete1

Dahil na rin sa magkaibang pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DoJ), kasalukuyan nang dino-double check ng DoJ ang data mula sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, ang kanilang hakbang ay para mapawi ang kalituhan na dulot ng magkaibang report ng DILG at Justice department.

Sa inilabas kasing pahayag ng DoJ kahapon, base sa preliminary report mula sa BI, wala pa sa mga bilanggong napalaya sa pamamagitan ng GCTA ang nakalabas ng Pilipinas.

Pero taliwas naman ito sa report ng DILG.

Kahapon sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Philippine National Police sa Interpol para mapabalik sa bansa ang mga nakalayang nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Sa panig ng DoJ, agad nilang ilalabas ang follow up report mula sa BI kung may pagbabago o wala sa naging pahayag nilang wala pang mga heinous crimes convict ang nakalabas ng bansa.