Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Justice na iprayoridad ang mga matatanda, may sakit at persons with disabilities sa pagrerekomenda ng mga PDLs na magawaran ng executive clemency ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan, miyembro para sa majority sa House Committee on Justice na ang kaniyang panawagan ay alinsunod sa 2023 Resolution of the Board of Pardons and Parole na nagsasaad na ang mga preso na edad 70 anyos kahit na itinuturing silang high-risk basta’t naisilbi na nila ang kanilang 10 taong sentensiya ay maaari ng mabigyan ng executive clemency lalo na kapag sila ay matanda na, may sakit o mayroong terminal o life threatenin na sakit o iba pang seryosong kapansanan.
Naatasan naman ang Boards of Pardons and Parole sa ilalim ng DOJ na magrekomenda ng kawalipikadong PDLs para sa clemency.
Umaasa naman ang mambabatas na aaksyunan ni PBBM ang nasabing mga rekomendasyon para sa humanitarian reasons.
ANg executive clemency ay tumutukoy sa reprieve, absolute pardon, conditional pardon nang mayroon o walang parole conditions at commutation of sentence na iginagawad lamang ng Pangulo ng Pilipinas.