-- Advertisements --
image 580

Hiniling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Office of the Civil Defense (OCD) ang pagdedeploy ng divers mula sa Armed Forces sa karagatan kung saan lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa Negros Oriental.

Ayon pa kay Remulla na kumuha na ang pamahalaan ng consultant para tumulong sa pagtukoy kung gaano kadami na ang tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker at kung gaano pa kadami ang natitira sa tanker.

Ito ang natalakay kasama si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa pagpupulong noong Huwebes ng Oil spill inter-agency committee.

Sinabi din ng kalihim na sinasanay na ang mga kinuhang consultant ang mga diver na siyang sisisid sa karagatan ng Oriental Mindoro para matukoy ang dami ng tumagas na langis.

Sa inisyal na report bagamat unverified pa na mayroong 23 butas ang oil tanker kung saan nasa 2 litro kada minuto ang maaaring tumagas na langis mula sa bawat butas kayat posibleng naubos na ang lahat kargang langis ng tanker.

Top