-- Advertisements --

Bubuo ang Department of Justice (DOJ) bg isang team para tumulung sa inter-agency task force na nagiimbestiga sa ulat hinggil sa vote buying kaugnay sa nalalapit na halalan sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra lilikha sila ng isang grupo mula sa National Prosecution Service, National Bureau of Investigation, Public Attorney’s Office at ng DOJ Action Center.

Aniya, kaniyang inatasan ang contingent ng DOJ na bigyang prayoridad ang pagtugon sa mga inihaing complaints laban sa vote buying susunod na 40 araw.

Nauna ng sinabi ni Comelec Commissioner Goerge Garcia na ang binuong Task force na “kontra bigay” ng komisyon ay kabibilangan ng iba’t ibang mga ahensiya gaya ng NBI, PNP, AFP at ng Philippine Information Agency.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, sinumang mapatunayang guilty sa anumang paglabag may kaugnayan sa halalan ay mapaparusahan at maaaring makulong ng hindi bababa sa isang taon subalithindi lalagpas ng anim na taon.

Gayundin mawawalan ng karapatang makaboto at madiskwalipika sa anumang posisyon sa gobyerno. Top