Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa kumpleto ang ebidensiya sa pangangailangan para sa pagbabakuna ng COVID-19 booster dose para sa mga bata edad 5 hanggang 11 anyos.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kasalukuyan pang kinumumpleto ang mga impormasyon hinggil sa pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa naturang age group.
Aniya, sa ngayon ay sapat ang unang dalawang doses para maprotektahan ang mga batang edad 5 hanggang 11 anyos.
Tiniyak naman ng DOH official sa pagbibigay ng karagdagang detalye sa oras na makumpleto na ang mga ebidensiya.
Inihayag din ni Vergeire na kaialngan muna aniyang maabot ng gobyerno ang kanilang vaccination target para sa nasabing age group bago magpokus sa pagbibigay ng booster dose sa mga bata.
Sa kasalukuyan kasi, nasa 4.2 million mha bata pa lamang ang maituturing na fully vaccinated kontra COVID-19.
Nasa 40% pa lamanh ito habang 60% pa ng eligible na mga bata edad 5 hanggang 11 taong gulang ang kailangang mabakunahan.
Kung kayat patuloy ang paghikayat ng DOH sa mga magulang o legal guradians na hikayatin ang kanilang mga anak na magpabakuna kontra sa virus para maging ligtas sa nalalapit na face to face classes.