-- Advertisements --
Umaapela si Health Sec. Francisco Duque III sa mga naturukan ng COVID vaccines, na sumunod pa rin sa minimum health protocols.
Ayon kay Duque, ligtas lamang sa severe conditions ang mga ito, ngunit hindi pa ganap na makakaiwas sa virus at maaari ring makahawa.
Inilabas ng opisyal ang apela sa harap ng dumaraming impormasyon na may mga nabakunahang hindi na sumusunod sa mga kinakailangang pag-iingat.
Inulit pa ng kalihim na kailangan pa ring magsuot ng facemask, face shield at magpatupad ng social distancing, kahit saang lugar pumupunta, lalo na kung may mga kaso roon ng COVID-19.