-- Advertisements --
image 253

Para matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng healthcare system ng Pilipinas, ikinokonsidera ngayon ni Department of Health Secretary Ted Herbosa na kumuha ng karagdagang eksperto para palakasin ang nursing sector sa bansa.

Ayon sa kalihim, ipinag-utos na niya ang pagbuo ng National Nursing Advisory Group of Technical Experts para resolbahin ang kakulangan ng nurses sa bansa.

Paliwanag ng kalihim na ang naturang Advisory group ay specialized panel na nakatuon sa pagbuo ng experienced professional na may kakayahang magbigay ng kritikal na pananaw at gabay sa mahihirap na hamon na kinakaharap ng sektor ng nursing.

Saad pa ng DOH chief na layunin ng posibleng recruitment ng karagdagang consultants na ma-improve pa ang mga personnel ng DOH.

Binigyang diin din ng kalihim ang mahalagang papel na ginagampanan ng nursing professional sa healthcare system ng bansa at kinilala ang bigat ng mga hamong kinakaharap ng nasabing sektor.

Top