-- Advertisements --

Sinigurado ng Department of Health na operational ang mga ospital sa buong bansa sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng El Nino. 

Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na handa sila sa El Nino at mayroon na rin daw silang contingency plans sakaling magka-problema sa kuryente at tubig. 

Nakikipagtulungan na rin ang ahensiya sa iba pang government agencies matapos itong magpasa ng report sa presidential Task Force El Nino na pagtuonan ng pansin ang mga healthcare facilities na may problema sa tubig at kuryente. 

Ang ginagawa raw ng DOH ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na “whole-of-government approach” sa pagtugon sa el Nino.