Binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang paalala nito sa publiko, partikular na sa local government officials, ukol sa paggamit ng mga gamot na hindi naman rehistrado laban sa COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya matapos mamahagi si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ng traditional Chinese medicine na Linhua Quingwen sa mga residenteng COVID-19 positive at naka-home quarantine.
Ayon sa DOH, kahit ginagamit sa China ang naturang gamot para sa kanilang COVID-19 patients, ay hindi naman pareho ang registration nito sa Pilipinas.
“The FDA approved it as a traditional medicine. Hence, manufacturers cannot put in the packaging that this is an anti-COVID product.”
Paliwanag ng ahensya, isang uri ng prescription medicine ang naturang brand ng gamot kaya dapat ay sa mga lisensyadong laboratoryo lang ito pwedeng bilhin.
“In addition, Lian Hua Qingwen is a prescription medicine and therefore
it can only be brought in licensed pharmacies if prescribed by a doctor.”
Paliwanag ni Mayor Nieto, mismong mga consultant doctors ng kanyang munisipyo ang nagpayo sa pagbibigay ng Lin Hua Qingwen.
Bukod sa nasabing gamot, namahagi rin daw ang kanyang opisina ng pulse oximeters, na makakatulong sa assessment ng mga pasyente may komplikasyon sa baga.
Sa ilalim ng Certificate of Product Registration ng FDA, nakasaad na rehistrado ang Lin Hua Qingwen sa Pilipinas bilang gamot laban sa heat-toxin sa lungs, lagnat, sipon, sakit sa katawan, at runny nose.