Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga local government units na i-hold muna ang kanilang executive order hanggang sa magkaroon ng desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa paggamit ng face shield.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makikipagpulong pa sila sa mga eksperto para pag-usapan ang re-evaluation ng face shield policy.
Magugunitang itinigil na ng lungsod ng Maynila ang paggamit ng face shield maliban sa mga ospital matapos lagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang Executive Order No. 42 para sa limitadong paggamit nito.
Maging ang mayor ng Davao at Iloilo City ay una na ring nagpatupad ng ordinansa na hindi na mandatory ang pagsusuot ng faceshield maliban sa kritikal na lugar