TUGUEGARAO CITY – Nagpadala na ng medical team ang Department of Health (DOH) Region 2 sa National Capital Region upang tumulong sa pagsasagawa ng contact tracing.

Ayon kay Pauline Atal ng DOH Region 2 na tutulong sa loob ng 10-araw ang medical team sa pagtukoy sa mga taong posibleng nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Samantala, inihayag ni Atal na wala nang Persons Under Investigation (PUI) sa Cagayan Valley matapos nag-negatibo ang resulta ng lahat ng pasyente na inobserbahan mula noong January 31.

Patuloy namang sinisiguro ng DOH sa publiko na ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang pigilan ang pagkalat ng virus.