Kukuha ang Department of Health (DOH) ng mga nursing assistant para tumulong sa pagtugon sa kakulangan ng mga nurse sa mga ospital ng gobyerno.
kasalukuyang may mahigit 4,000 na bakanteng posisyon para sa mga nurse ng gobyerno.
“Mayroon nang ganoong proposal because they have been studying this problem on how to augment health human resource. It’s Salary Grade 9, so that’s about P20,000 yung salary per month. It’s the one being offered as a solution, so I said that’s going to go forward. It will be open to nurses who graduated four years of college but are still awaiting to pass the exams,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.
Samantala, sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) na malaking tulong ang mga nursing assistant.
Ayon kay FNU secretary general Jocelyn Andamo, “Napakahirap din sa mga nurse kung wala silang nursing aides o nursing assistants”