-- Advertisements --

Bukas sa Health Sec. Francisco Duque III sa ideya na pag-aralan ang bisa ng virgin coconut oil bilang isa sa mga posibleng gamot sa COVID-19.

Sa isang panayan, sinabi ni Duque na sa oras na makakuha siya ng kopya ng mga pag-aaral na ginagawa sa virgin coconut oil ay isusumite niya ang mga dokumentong ito sa mga eksperto sa Department of Health (DOH).

Kahapon, Pebrero 24, sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na isang Pilipinong academician ang nangunguna sa trials na ginagawa sa virgin coconut oil.

Pero mas pabor para kay Duque kung ang National University of Singapore na lang ang manguna dito.

Paliwanag ng kalihim, “mas maganda hintayin na lang natin ‘yung sa Singapore. At least, puwedeng i-validate lang natin pag tayo naman ang magsagawa ng testing. Makakatulong ‘yung kanilang mga initial results from Singapore,”