-- Advertisements --

Umakyat na sa 1,859 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, batay sa data ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 380 sa naturang bilang ang gumaling na.

Habang nananatili sa 34 ang numero ng mga namatay.

Simula kahapon ay wala pa raw naitatalang bagong pasyenteng health care worker ang namatay mula sa pandemic virus.

Una nang sinabi ng DOH na mahigpit ang protocol na ipinatutupad nila para sa kaligtasan ng health care frontliners sa mga pagamutan.

Lumalabas kasi data ng Health department, na isa mula sa limang nagkakasakit ng COVID-19 sa bansa ay isang health care frontliner.