Nilinaw ng Department of health na hindi pa masasabi sa ngayon kung dahil sa presensiya ng bagong subvariant ang nakitang bahagyang pagtaas ng mga kaso sa bansa.
Paliwanag ni Dr. Alethea De Guzman, officer-in-charge ng DOH Epidemiology Bureau na nakakapagtala na aniya ng unti-unting pagtaas ng kaso ng COVID19 mula pa noong nagbukas ang borders ng bansa hindi lamang ngayong Mayo kayat mahirap aniyang sabihin sa ngayon kung ito ay dahil sa pagpasok ng BA.4 o ng ibang emerging varaiants.
Subalit iginiit ng DOH official na bagamat wala pang nakikitang significant na negatibong impact ng mga variant , dapat ngayon pa lamang ay naghahanda na sa pamamgitan ng minimum public health standards at tinataasan ang proteksyon sa pmamagitan ng pagpapabakuna ng primary doses at booster.
Epektibo aniya ang mga hakbang na ito upang mayroong sapat na proteksyon laban sa bagong variant of concern at para hindi mapuno ang health systems ng bansa.
Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng kaso ng Omicron subvariants na BA.4 at BA.2.12.1.
Nasa kabuuang 17 ang kaso ng BA.2.12.1 habang isa naman sa Ba.4 na itinuturing na variant of concern.










