-- Advertisements --

Nilinaw ni DOH Undersecretary Eric Tayag na hindi pa rin tiyak kung makokontrol ang pagkalat ng “whooping cough” o pertussis sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng pertussis at nagsisimula ng magkulang at maubos ang mga bakuna na nakalaan para sa nasabing sakit.

Ayon kay Tayag, hindi niya pa rin masabi na ‘under control’ ito sapagkat patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng mga kaso ng pertussis at sa ngayon ay umakyat na sa 862 ang bilang nito sa loob lamang ng Enero 1 hanggang Marso 23, 2024.

Samantala, umabot na sa 49 katao ang naitalang namatay dulot ng pertussis sa Pilipinas.

Sa ngayon ay sinisiguro naman ng DOH na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga provincial, city, at municipal health officers upang maghatid ng serbisyo para maprotektahan ang mga bata laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na pertussis.