-- Advertisements --

Patuloy na naghahanap ang Department of Health (DOH) ng mga healthcare workers na dapat ay prayoridad sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 1.8 million healthcare workers sa bansa ang kailangan na mabakunahan kontra COVID-19.

Marami kasi aniya ng mga healthcare workers sa ngayon ang hindi affiliated sa mga institusyon o pasilidad na ginagamit ngayon para sa COVID-19 response.

Ang mga healthcare workers na ito ay pawang mga freelancers o affiliated sa private facilties.

Nanawagan din ang ahensya sa mga local government units na hanapin ang mga nalalabing healthcare workers upang sa gayon mabakunahan din sila kontra COVID-19.

Ngayong nagpapatuloy ang roll out ng COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan, sinabi ni Vergeire na iyong mga pansamantalang nagtatrabaho sa mga treatment at monitoring facilities ay maaring mabakunahan na kapag hindi available ang mga healthcare workers.

Ang mga healthcare workers na nagsasagawa ng contact tracing, research o sa mga laboratires at iyong mga nasa private nursing homes ay maari na ring mabakunahan.

Ngayong buwan, aabot na sa mahigit 508,000 frontline health workers ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Ang Metro Manila ang siyang may pinakamaraming nabakunahan nang recipients sa 279,870, na sinundan ng Central Visayas na may 110,760 at Calabarzon na may 94,560.