-- Advertisements --

Nangako ang Department of Health (DOH) na magbibigay ito ng mas magandang serbisyong pangkalusugan para sa mga babaeng persons deprived of liberty (PDL).

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na kailangang i-improve ang accessibility sa mga medical services” para sa mga babaeng persons deprived of liberty o PDL.

Ayon kay Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire ito ay upang itaguyod ang isang mas mahusay na setting at isang malusog na physical at mental well-being ng mga pasyente.

Kaugnay niyan, sinabi ng DOH na nakipag-ugnayan na ito sa Department of Justice (DOJ) dahil isinusulong nito ang pag-apruba ng pagsusuri sa kalusugan ng mga pasyenteng terminally-ill.

Nilalayon din nitong magbigay ng 100 porsiyentong saklaw ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na kailangan ng mga babaeng persons deprived of liberty (PDL).

Una nang nagbigay ng iba pang “specialty care” ang Department of Health partikular na sa mental health services sa buong bansa.