-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health sa publiko na huwag papalinlang sa isang pekeng online page na nagpapakilalang loan center ng Malasakit Program Office.

Sa inilabas na statement ng ahensiya, sinabi nito na ang naturang page ay peke at hindi affiliated sa anumang Malasakit Center.

Ginawa ng DOH ang naturang babala laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pekeng page at inihayag na maaaring mapatawan ng criminal charges kapag nagpatuloy pa ang naturang iligal na gawain.

Ang Malasakit center ay isang one-stop shop sa mga ospital ng gobyerno para sa mas mabilis na access sa medical at financial assistance para sa mga mahihirap at financially incapacitated na mga pasyente.