-- Advertisements --

Nagpasalamat si Department of Health (DoH) OIC Maria Rosario Vergeire sa mga mga primyadong unibersidad na naghayag ng kahandaang kumuha ng mga medical personnel na magiging bahagi ng binabalangkas na virology center at center for disease control and prevention (CDC).

Ayon kay Vergeire, malaking bagay ang pakikipagtulungan ng University of the Philippines (UP) para maisakatuparan ang isang malaking hakbang para sa health and research development ng bansa.

Nabatid na katuwang din ng DoH ang Department of Science and Technology (DOST) para sa mga planong ito ng pamahalaan.

Magugunitang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nagsulong na magkaroon ng virology center at cdc nang ilahad niya ang kaniyang mga plano sa state of the nation address (SONA).