Naglabas ang DOH ng updated na vaccine certificate guidelines para sa mga inbound at outbound na mga biyahero.
Sinabi ng DOH na hindi na kailangan ang pagpapakita ng cOVID-19 vaccination status at vaccination certificate para sa mga international arrival.
Ayon sa anunsyo, lahat ng paparating na international traveller ay tinatanggap anuman ang kanilang katayuan sa pagbabakuna.
Hinimok naman ng DOH ang mga papaalis na international traveller na suriin ang mga kinakailangan sa sertipiko ng bakuna ng bansang kanilang destinasyon.
Para sa mga overseas Filipino worker at seafarers, binanggit ng DOH na ang pag-iisyu ng International Certificate of Vaccination for Prophylaxis for Yellow Fever Vaccine at iba pang pagbabakuna ay depende sa pangangailangan ng kanilang ahensya o mga kumpanya.