-- Advertisements --

Nagbabala sa publiko ang Department of Health sa Bicol Region pahinggil sa mga posibleng maging masamang epekto ng nararanasang El Niño phenomenon ngayon sa ating bansa.

Sa isang statement ay inabisuhan ng naturang ahensya ang publiko na mag doble ingat laban sa mga sakit na posibleng umusbong nang dahil sa matinding init ng panahon tulad ng dengue, chikungunya, cholera, heat stroke, typhoid fever, paralytic shellfish poisoning, at leptospirosis.

Kaugnay nito ay pinayuhan din ng naturang ahensya ang taumbayan na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na healthcare providers sakaling nakakaranas ng mga health-related concerns nang dahil sa matinding init ng panahon.

Kung maaalala, una nang sinabi ng isang state weather bureau na magpapatuloy ang nararanasang El Niño sa bansa hanggang sa buwan ng mayo 2024.