-- Advertisements --
image 397

Pinag-iingat ng Department of Health ang publiko ukol sa mga sakit na maaaring makuha, kasabay ng nagbabatang El nino sa bansa.

Partikular na pinapatutukan ng ahensiya ang mga sakit na may kaugnayan sa tubig at pagkain, na umano’y kadalasang nakukuha ng mga tao sa mga maiinit na panahon.

Kabilang dito ay ang Diarhea, Cholera, at Typhoid Fever.

Ayon sa DOH, sa pagpasok pa lamang ng 2023 hanggang nitong buwan ng Marso, nakapagtala na ito ng mahigit isang libong kaso ng Cholera.

Posibleng tataas pa umano ito, habang mas kakaunti ang magagamit na tubig, o mas marumi ang naisusuply na tubig dahil sa kakapusan ng supply.

Para naman sa Typhoid Fever, nakapagtala na rin ang DOH ng hanggang 3,285 mula Enero hanggang nitong buwan ng Marso, na inaasahan pang lalong dadami dahil ngayong tag-init.

Ayon pa sa DOH, ang lahat ng ito ay nakukuha dahil sa kontaminado o maruming tubig.