-- Advertisements --
Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) sa pagbabawal sa paggamit ng electronic cigarettes o mga vape.
Ito ay matapos na nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng pagkakasakit dahil sa paggamit ng vape.
Sinabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo, may nakakamatay na chemical ang nabanggit na mga produkto.
Dagdag pa nito na sakaling hindi tuluyang maipagbawal ng gobyerno ang vape ay maaari itong i-regulate.
Ilang mga panukala na rin ang nakabinbin sa Kongreso hinggil sa naturang panukala.