Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na tinututulan nito ang paggamit ng glutathione para magkaroon ng lighter skin.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na walang na i-publish na clinical trials na sinusuri ang paggamit ng injectable glutathione para sa pagpapaputi ng balat, gayundin ang mga guidelines para sa naaangkop na mga regimen ng dosing at tagal ng paggamot.
Dagdag pa, hindi maaaring i-regulate ng DOH o FDA ang prescription ng mga gamot kapag naaprubahan na ang mga ito para makapasok sa merkado ng Pilipinas.
Ang pahayag ng DOH ay sa gitna ng kritisismo sa showbiz personality na si Mariel Rodriguez na na-glutathione sa opisina ng kanyang asawang si Senador Robinhood Padilla sa Senado.
Nagbabala si DOH Secretary Ted Herbosa noong Enero sa publiko laban sa mga panganib sa kalusugan ng paggamit ng IV glutathione.