Sa kabila nang pagpapatigil ng World Health Organization (WHO) sa clinical trials ng gamot na hydroxychloroquine sa COVID-19 patients, itutuloy pa rin daw ng Pilipinas ang paggamit nito.
Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, inirekomanda ng expert group mula WHO na maaaring ituloy ang paggamit ng anti-malaria drug basta’t may mahigpit na monitoring sa mga pasyenteng ginamitan nito.
“Ang kanilang rekomendasyon ay itigil muna ang new allocation for new patients pero nagbigay din sila ng alokasyon na nag-a-undergo ng trial, maaari namang ituloy ito pero under close monitoring ng physician until na may adverse event,” ayon sa opisyal.
Ititigil lang daw ang paggamit ng hydroxychloroquine sa pasyente kung nagkaroon na ito nang hindi magandang epekto.
Ang nasabing gamot ay kasali sa apat na off-labeled drugs na ginamit ng WHO sa Solidarity trial o malawakang clinical trial ng mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.
Sa ngayon hindi na raw gagamitan ng DOH nang hydroxychloroquine ang mga bagong pasyente ng sakit.
Sa ilalim ng Solidarity trial, voluntary lang ang pagsasailalim ng mga pasyente sa naturang clincal trial.